MIYEMBRO NG TERORISTANG GRUPO BOLUNTARYONG SUMUKO SA AWTORIDAD
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City- Boluntaryong sumuko sa Buguey PS ang isang indibidwal bilang tagasuporta at kontak umano ng Communist Terrorist Group kahapon, Nobyembre 4.
Base sa ulat, si aka Omping, 41 taong gulang, may asawa, nagtapos ng elementarya, magsasaka at residente ng Barangay Villa Cielo, Buguey, Cagayan ay kusang sumuko sa nasabing himpilan kung saan ibinunyag niya sa imbestigasyon na noong huling Quarter ng taong 2020 ay madalas na bumisita ang teroristang grupo sa kanyang kubo sa Sitio Birao, Brgy Villa Cileo, Buguey, Cagayan upang magpahinga ngunit hindi naman umano nagtatagal.

Hindi nagtagal ay nagtagumpay ang grupo na paniwalain siya sa kanilang mga maling ideolohiya at nagsilbi siya bilang “SPY” sa mga galawan ng kapulisan at kasundaluhan. Inamin din ng huli na inaabutan siya ng halaga ng pangkat para sa pagbili ng mga food items at sigarilyo para kanilang suplay sa bulubunduking bahagi ng Brgy Villa Cielo, Buguey, Cagayan.
Matapos niyang malaman ang boluntaryong pagsuko ng kanyang mga kasamahan sa mga awtoridad, ay nagpasya rin siyang putulin ang kaniyang ugnayan sa teroristang grupo.
Siya ngayon ay sumasailalim sa custodial debriefing at tactical interrogation sa Buguey Police Station.