MENU
  • 1 of 4 psa
  • 2 of 4 sais
  • 3 of 4 dos
  • 4 of 4 kwatro

 𝐓𝐨𝐩 𝟏 𝐌𝐨𝐬𝐭 π–πšπ§π­πžπ 𝐏𝐞𝐫𝐬𝐨𝐧 𝐬𝐚 π›πšπ²πšπ§ 𝐧𝐠 π’πšπ§πœπ‘πžπ³ 𝐌𝐒𝐫𝐚, π€π«πžπ¬π­πšππ¨

Camp Tirso H Gador, Tuguegarao Cityβ€”Arestado ang tinaguriang municipal top 1 most wanted person sa isinagawang operasyon ng mga pwersa ng kapulisan kahapon, Enero 29 sa Barangay Centro-2, Sanchez Mira, Cagayan.Β 

Kinilala ang akusado na si alyas Jomel, 28 taong gulang, pintor at residente ng nasabing lugar.Β Si alyas Jomel ay inaresto ng pinagsanib na tauhan ng Sanchez Mira Police Station sa pangunguna ni PMAJ OSMUNDO M MAMANAO, Chief of Police, mga tauhan ng Regional Intelligence Division 2, Provincial Intelligence Unit, Cagayan PPO, 2nd Provincial Mobile Force Company na nakabase sa Curva, Pamplona, Cagayan, 203rd Maneuver Company, Regional Mobile Force Battalion 2, at 20 Marine Coy, Marine Battalion Landing Team 10 sa bisa ng mandamyento de aresto na inisyu ni Executive Judge Gemma P. Bucayu-Madrid ng Regional Trial Court, Branch 12, Sanchez Mira, Cagayan na may petsang Hunyo 23, 2016 para sa krimeng pagnanakaw na may inirekomendang piyansa na Php100,000.00 para sa kanyang pansamantalang kalayaan.
Sa ngayon ay nasa kustodiya ng Sanchez Mira Police Station ang akusado para sa dokumentasyon at nauukol na disposisyon bago ang paglilipat sa korte ng pinagmulan.
0