MENU

  CAGAYAN PPO NAGSAGAWA NG ISANG ARAW NA SACLEO

May be an image of text that says 'FLASH NEWS! SIMULTANEOUS ANTI CRIMINALITY AND LAW ENFORCEMENT OPERATION CAGAYAN PPO NAGSAGAWA NG ISANG ARAW NA SACLEO Matagumpay na naisagawa ng mga kapulisan ng Cagayn sa pamumuno SABALDICA, Provincial Director ang bente kwatrong oras naS”ms Anti-Criminality ang Law Enforcement Operation SACLEO kahapon, Setyembre 30. CAGAYAN CAGAYAN POLICE PROVINCIAL OFFICE'
Camp Tirso H Gador, Tuguegarao City—Matagumpay na naisagawa ng mga kapulisan ng Cagayan sa pamumuno ni PCOL RENELL R SABALDICA, Provincial Director ang bente kwatrong oras na Simultaneous Anti-Criminality and Law Enforcement Operation (SACLEO) kahapon, Setyembre 30.
Batay sa mga nakalap na impormasyon mula sa iba’t ibang istasyon ng pulisya ng Cagayan, tatlong top most wanted person at 27 iba pang wanted ang nahuli; 9 naman ang nakorner na sangkot sa iligal na droga at nakapagpasuko ang mga kapulisan ng 16 na Communist Terrorist Group o CTG.


Sa tatlong nahuling TMWP, isa dito ay nakalista bilang Top 8 sa antas ng Probinsya na kinilalang si Felix Fugaban y Binalay, 51 taong gulang, may asawa, manggagawa sa konstruksyon, at residente ng Barangay 12, Balzain West, Tuguegarao City, Cagayan na may kasong Qualified Theft na inaresto ng Iguig PS sa Villa Muzon Subdivision, San Jose Del Monte, Bulacan. Samantala, ang top 6 sa antas ng munisipyo na si Roden Duerme y Tomas, 20 taong gulang, mangingisda, at residente ng Barangay Babuyan Claro, Calayan, Cagayan ay inaresto sa kanyang tirahan dahil sa krimeng Attempted Murder. Top 4 naman ang nahuli ng Lasam PS na si Dominador Ramirez y Enriquez, 29 taong gulang, may asawa, panadero at residente ng Brgy. Nabannagan West, Lasam, Cagayan sa bisa ng Warrant of Arrest para sa krimen ng Qualified Theft.
Sakabilang banda, bente syeteng iba pang pinaghahanap na tao ang naaresto sa nasabing operasyon, kung saan 4 ang nahuli ng Baggao PS; tig-3 sa Enrile PS, Sta. Ana at Sta. Teresita PS; tig-2 naman sa Gattaran at Solana; habang ang Allacapan, Amulung, Ballesteros, Calayan, Claveria, Gonzaga, Pamplona, Peñablanca, Rizal Sanchez Mira ay nakuha ng tig-isang wanted na tao.
Samantala, siyam indibidwal na sangkot sa ipinagbabawal na gamot ang naaresto din kung saan nahuli ang 5 sa buy-bust operation ng Tuguegarao CPS habang tig isa ang nadakip ng Abulug PS, Aparri PS, Buguey at Solana PS.
Dagdag pa dito, makikita ang pinatinding pagsisikap ng PNP Cagayan kaugnayan sa NTF-ELCAC sa 16 miyembro ng CTG na kusang isinuko ang kanilang sarili sa gobyerno.
Pinuri naman ni PCOL RENELL R SABALDICA, Provincial Director ang lahat ng kapulisan sa matagumpay na pagsasagawa ng nasabing operasyon.